Nakatakdang magsagawa ng panibagong pagpupulong ang Pilipinas at Japan sa susunod na buwan.
Magiging sentro ng naturang pagpupulong ang ilang mga security at defense aspect ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Nakatakdang talakayin nina Japan Defense Minister Minoru Kihara at Foreign Minister Yoko Kamikawa ang tungkol sa mga isyu sa seguridad na bumabalot sa naturang rehiyon.
Itinakda naman ang ang July 8 bilang pagsisimula ng pulong, na gaganapin sa Manila.
Sa kasalukuyan, tumutulong ang Japan sa pagsasamoderno sa mga barko ng Philippine Coast Guard.
Naging bahagi rin ang Japan sa isinagawang naval at air drill sa mga katubigan ng Pilipinas noong Abril, 2024. Kasama dito ang US, Australlia, at Pilipinas.
Maalalang una na ring nagpahayag ng interest ang Japan na bumuo ng defense pact kasama ang Pilipinas kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang pwersa ng dalawang bansa na mai-deploy sa teritoryo ng bawat isa.