-- Advertisements --
Ikinakabahala umano ng South Korea at Japan ang ginawang joint patrol ng Russia at China.
Kasunod ito ng pahayag ng Russian defence ministry na mayroon silang apat na bombers na suportado ng fighter jets ang nagsasagawa ng pagpapatrolya sa karagatan sa Japan at East China Sea.
Nauna nang pinaputukan ng South Korea ang mga Russian planes na nakita nilang sumakop sa kanilang karagatan.
Depensa ng South Korea, pumasok ang Russian at Chinese planes sa Air Defence Identification Zone (KADIZ) kung saan dalawang beses pa na lumabag ang A-50 Russian warplane sa kanilang airspace.
Isinagawa ang pagpapalipad ng mga Russian planes sa pinag-aagawang Dokdo/ Takeshima islands na inookopa ng South Korea at inaangkin din ng Japan.