-- Advertisements --

Ikinagalit ng Japan at South Korea ang ginawang ballistic missile test ng North Korea.

Ang nasabing missile ay tumama sa karagatang bahagi ng Korean peninsula at Japan.

Ang nasabing missile test din ay unang naiulat ng Japanese coast guard na kinumpirma ng mga defence authorities coast guard.

Base sa pagtaya ni Japanese Defence Minister Nobuo Kishi na lumipad ang ballistic missile ng may taas na 500 kilometers.

Ito ang unang beses na nagsagawa ng ballistic missile test ang North Korea mula noong buwan ng Oktubre.

Magugunitang pinagbabawalan ng United Nations ang North Korea na magsagawa ng ballistic at nuclear weapon test.