Makikiisa rin ang ilang mga indibidwal at mga tauhan ng embahada ng Japan at Sweden sa gaganaping civilian mission ng Atin Ito Coalition sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ito ang inanunsyo ni Atin Ito Coalition co-convenor and Akbayan president Rafaela David sa gitna ng papalapit na ikakasang misyon nito sa naturang pinag-aagawang teritoryo pagsapit ng Mayo 14 hanggang Mayo 17, 2024.
Aniya, sa ngayon ay dalawa pa lamang ang nagkukumpirma na makikilahok sa kanilang aktibidad mula sa Sweden at Japan, habang may inaasahan pa aniya sila na iba pang mga indibidwal na makikilahok dito mula sa iba pang mga organisasyon.
Kasabay nito ay nagpahayag muli ng pag-asa si David na mas marami pang mga Foreign nationals ang magnanais na makilahok sa kanilang gaganaping civilian mission.
Kung maaalala, ito na ang ikalawang civilian mission na pinangunahan ng Atin Ito Coalition sa WPS kung saan inaasahang nasa 100 mga bangka ang kanilang makakasama.
Layon nito na makapagsagawa ng “peace and solidarity regatta” gayundin ang makapaglakbay ng mga markers o buoys sa bahagi ng Panatag shoal.