-- Advertisements --
Nakatakdang bumuo ang Japan at United States (US) ng joint military plan sakaling lumala ang tensyon sa Taiwan.
Ayon sa Kyodo news agency, ito ay kinabibilangan ng pagdedeploy ng missiles.
Ang naturang plano ay inaasahang maipapatupad sa susunod na buwan .
Sa ilalim nito, magdedeploy ang US ng missile units sa Nansei Islands sa southwestern portion ng Kagoshima at Okinawa prefectures at maging sa Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ng US Marine Corps’ Marine Littoral Regiment, idedeploy nila ang High Mobility Artillery Rocket System at iba pang armas sa Nansei Islands sa Kyodo, Japan.
Habang sa Pilipinas naman planong ilagak ang US unit na may kinalaman sa space, cyberspace, at electromagnetic waves.