-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang paghahanap ng mga otoridad sa pitong indibidwal na nawawala matapos ang pagbagsak ng dalawang helicopters ng Self-Defense Force ng Japan sa Pacific Ocean.

Ayon kay Bombo International Correspondent Hanna Galvez na bigo pa rin ang nagpapatuloy na search and rescue operations subalit na-recover na ang dalawang black box ng naturang aircraft.

Pinawi ng mga otoridad ang mga agam-agam na posibleng sinadya ang insidente.

Aniya inihayag ng mga kinauukulan sa Japan na lumabas sa paunang pagsisiyasat na walang nakitang outside forces sa naturang aksidente.

Paliwanag nito na purely collision lamang ang nangyari habang nagsasagawa ng military training ang mga crew na sakay ng Japanese military helicopters.

Samantala, sinabi ni Galvez na wala namang mga sibilyan ang nadamay sa aksidente dahil naganap ito sa liblib na bahagi ng karagatan.