-- Advertisements --

Plano ng gobyerno ng Japan na palawigin pa ang state of emergency sa Tokyo at tatlong katabing prefectures para labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Itinakda ito ang pagpapalawig hanggang Marso 21 o dalawang linggo mula ng naunang pagtatapos ng state of emergency.

Ayon kay Economy Minister Yasutsoshi Nishimura na mismo ang mga namumuno sa Tokyo, Chiba, Kanagawa at Saitama prefectures ang humiling ng extension.

Noong Enero ng ideklara ang state of emergency sa nabanggit na ng mga lugar dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa kabuuan ay mayroong 433,000 na kaso ng COVID-19 sa Japan kung saan 8,050 na ang nasawi.