-- Advertisements --

May plano pang magbigay ng dagdag na Beechcraft King Air TC-90 patrol aircraft ang Japan Maritime Self-defense Force sa Philippine Navy (PN).

Ayon kay Philippine Navy Flag Officer in Command (FOIC) Vice Admiral Robert Empedrad, ang nasabing plano ng Japan ay inihayag mismo sa kaniya ng JMSDF head ng siya ay bumisita sa bansang Japan.

Una ng nagbigay ng limang TC-90 patrl aircraft ang ibinigay ng Japan sa Philippine Navy kung saan tatlo na dito ang inactivate na kasakuluyang ginagamit na ng hukbo.

Naniniwala naman si Empedrad na kung matutuloy ang dagdag na donasyon na mga TC-90 patrol aircraft na ibibigay ng Japan, malaking tulong ito para mapalakas pa ang capability ng Philippine Navy lalo na sa Intelligence surveillance, reconnaissance, humanitarian assistance and disaster relief and maritime air susrveillance.

Magugunita, matapos pirmahan ng Pilipinas at Japan ang kasunduan kaugnay sa Transfer of Defense Equipment and Technology nuong Feb. 29,2016, agad na nag-offer ang Japan na magbigay ng limang TC-90 patrol aircraft.