TOKYO – Todo-puri at pagkilala si Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan na aniya’y may “word of honor.”
Sa kanyang mensahe sa Filipino community meeting sa Palace Hotel, sinabi ni Pangulong Duterte na napakabait at napakamatulungin ng Japan sa Pilipino at saksi siya kahit noong mayor pa lamang siya ng Davao City.
Katunayan aniya, ang Japan International Cooperation Agency ang nagpagawa ng libre sa airport ng Davao habang marami rin itong naibigay na tulong sa bansa ng walang ano mang kabayaran.
Ayon pa kay Pangulong Duterte, kahanga-hanga rin ang pagtrato ng Japan sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na hindi nakararanas ng pambabastos o pagmamaltrato sa kanila.
Inihayag ng pangulo na makatao ang pagtrato ng Japan sa ating mga kababayan, malayong-malayo sa ibang bansa na hayop kung tratuhin ang mga OFWs.