-- Advertisements --
Masayang ipinamalita ng Thailand na makakatanggap sila ng AstraZeneca COVID-19 vaccine mula sa Japan.
Sinabi ni Thailand health minister Anutin Charnvirakul, ito ang laman ng kanilang pinirmahang kasunduan noong nakaraang linggo.
Hindi naman nito binanggit kung gaano karami ang mga bakunang darating sa buwan ng Hulyo.
Nauna nang nagsimula ang mass vaccination ng Thailand nitong buwan at umaasa lamang sila sa AstraZeneca na gawa ng kumpanya na pag-aari ng kanilang hari.
Nagkaroon ng aberya kaya apektado ang mga bakuna na binili rin ng ibang bansa gaya ng Malaysia, Taiwan at Pilipinas.