-- Advertisements --

Binitay na ng Japan ang isang lalaking Chinese na pumatay sa apat na miyembro ng isang pamliya.

Ito na rin ang unang pagbitay ng Japan sa isang dayuhan sa loob ng 10 taon.

Ang suspek ay kinilalang si Wei Wei na siyang nasa likod ng pagpatay sa isang magkakamag-anak noong 2003.

May dalawang kasama ito na tumakas sa China kung saan ang isa ay binitay din noong 2005 habang hinatulan ng life sentence ang isa.

Mayroong mahigit 100 na preso na nasa death row ang Japan kung saan 15 ang ibinitay noong nakaraang taon.