Hiling ngayon ng mga kaanak ng nawawalang seafarers na ituloy pa rin ng Japanese Coast Guard ang paghahanap sa lumubog na cargo ship sa karagatang sakop ng Japan.
Itinigil na kasi ng Japan ang paghahanap sa hindi pa nakikitang mga tripulante ng nawawalang sea vessel kung saan kasama ang 36 na Pinoy.
Ayon kay Elias Delos Reyes, pangulo ng Manning Agency ng mga crew sa lumubog na barko sa Japan, naka-standby lang daw ang Japan Coast Guard pero tigil na ang search and rescue operations.
Sinabi naman ng ilang kaanak ng mga nawawalang seafarers, hindi pa rin daw sila nawawalan ng pag-asa na buhay pa ang kanilang mga mahal sa buhay.
Umaapela rin sila sa Pangulong Rodrigo Duterte na pakinggan sila sa kanilang apela at magbigay ng tulong kaugnay sa isyu.