-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Japan ang mga travel ban laban sa iba’t ibang bansa para hindi na kumalat pa ang coronavirus sa kanilang lugar.

Sinabi ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe, magiging epektibo ang kautusan sa Miyerkules, Mayo 27.

Dahil dito, umakyat na sa 111 ang mga bansa na bawal na pumasok sa Japan kabilang na ang US, at karamihan sa Asia na kinabibilangang ng China at South Korea at maging ang Pilipinas.

Dagdag pa ni Abe, maghihigpit ang kanilang bansa sa pagbabantay ng border control measures kasama na ang visa suspension at 14-day quarantine period sa lahat ng mga Japanese nationals na dumarating sa kanilang bansa hanggang sa katapusan ng Hunyo.