-- Advertisements --

Dinagdagan pa ng Japan ang mga lugar na inilagay sa state of emergency dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng Delta variant.

Ayon kay Prime Minister Yoshihide Suga na isinama na nila ang Osaka sa nasabing state of emergency.

Nanawagan na rin ito sa mga mamamayan na manood na lamang sa kani-kanilang mga bahay ng mga laro sa Olympics.

Pinangangambahan din nito na kapag lumala pa ang sitwasyon ay mapupuno ang mga pagamutan.

Nitong Huwebes lamang ng umabot sa 10,000 ang kaso ng COVID-19 sa isang araw.

Halos 30 porsyento pa lamang sa populasyon ng Japan ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.