-- Advertisements --
Iniulat ng Japan Finance Ministry ang pagtaas ng export nito noong buwan ng Mayo ng hanggang 13.5%
Ito ay mas mataas kumpara sa pagtaya ng bansa, dahil na rin sa tumataas na demand sa mga produkto ng Japan sa US at Asia
Batay sa datus ng Finance Ministry, umabot sa 8.3 trillion yen ($53 billion) ang export ng naturang bansa. Ito na ang pinakamabilis na pagtaas mula noong November 2022.
Sa ilalim nito, umangat ng 24% ang shipment papuntang US, habang ang shipment sa Asia ay tumaas ng 13%.
Malaki ang naitulong dito ng pagtaas ng demand sa mga sasakyan, electronics, at iba’t-ibang mga makinarya.