-- Advertisements --

Magbibigay ang gobyerno ng Japan ng emergency relief goods para sa mga lugar sa Northern Luzon na apektado ng pinsalang iniwan ng magnitude 7 na lindol.

Ayon sa Embahada ng Japan sa Pilipinas, bilang bahagi ng humanitarian perspective at malapit na ugnayan sa pagitan ng Japan at Pilipinas, napagdesisyunan ng Japan government na magbigay ng emergency assistance sa bansa para matulungan ang mga Pilipinong naapektuhan ng lindol.

Kabilang sa ipapamahaging tulong ng Japan ay ang mga kailangan ngayon ng ating kababayan na tents, sleeping pads, generators, portable jerry cans, at plastic sheets.

Tiniyak din ng Japan givernment ang patuloy na pagbibigay ng assistance hanggang sa muling pagtatayo o rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Top