-- Advertisements --

Binibilisan na ng gobyerno ng Japan ang kahandaan para sa pagtanggap ng mga evacuees mula sa Ukraine.

Ayon kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida na inatasan na niya ang ilang mga mataas na opisyal nito na bumuo ng “solid framework” para sa mga evacuees mula sa Ukraine.

Kasabay din nito ay inanunsiyo niya na ang mga Ukrainian evacuees na darating sa Japan na nabigyan ng 90-day short-term visa ay maaring magawaran na rin ng residency status.

Pinag-aaralan rin ng gobyerno ng Japan kung ilang mga refugees mula Urkraine.

Magugunitang ilang milyong residente ng Ukraine ang lumikas mula ng naglunsad ang Russia ng pag-atake noong Pebrero.