-- Advertisements --

Tutulong ang Japanese government para sa rehabilitation ng mga tulay, kalsada at channels sa Metro Manila laban sa mga kalamidad partikular na sa lindol.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan na ilan sa kanilang priority projects ay ang Guadalupe Bridge na nagkokonekta sa Mandaluyong at Makati City at Lambingan Bridge sa Manila.

Gayundin kabilang sa priority perojects ng Japan sa pamamagita ng apan International Cooperation Agency (JICA) ay ang rehabilitation ng major intersections sa Quezon City sa ilalim ng Metro Manila Interchange Construction Project (MMICP) at sa Metro Manila Priority Bridges Seismic Improvement Project na layong palakasin ang resiliency ng transport networks sa Metro Manila.

Nangako din ang JICA sa pagbibigay ng funding sa nagpapatuloy na flood control projects at channel improvement works sa Middle Marikina River kabilang ang konstruksyin ng Manggahan Controlgate Structure, Cainta Floodgate at Taytay Sluicegate sa ilalim ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project Phase 4.

Tiniyak din ni Japan Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa ang comiitment ng Japan na paghbibigay ng funding sa on-going rehabilitation ng mga tulay sa NCR at karatig na probinsiya.

Magbibigay din ng suporta ang Japan para sa konstruksyon ng Cebu-Mactan bridge at Coastal Road construction project.