Nagpaabot ng babala si Japanese Prime Minister Abe Shinzo sa posibleng maganap na bakbakan sa Middle East matapos ang mas lalong umiinit na komprontasyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.
Kasalukuyang nasa Iran si Abe upang makipagkita kay Iranian President Hassan Rouhani bilang parte ng kanyang two-day state visit sa naturang bansa.
Bilang ka-alyansa ng Estados Unidos ay posibleng maging tulay ang Japan upang pumagitna sa hindi pagkakaintidihan ng US at Islamic Republic.
Ayon kay Abe, kinakailangan umanong iwasan ang armed conflict at panatilihin na lamang ang kapayapaan sa Middle East. Nais din daw ng Japan na maging pangunahing sangkap upang magkaayos ang dalawang bansa.
“We would like to play the maximum role we can for easing tension. That is what brought me to Iran,”
Patuloy naman ang negosasyon ng dalawang bansa pagdating sa pag-aangkat ng langis.