-- Advertisements --
Wala pang nagaganap na pag-uusap sa joint patrols sa West Philippine Sea ng mga bansang Japan, Australia, US at Pilipinas.
Ito ang naging reaksyon ng Japanese embassy sa bansa sa pahayag ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na mayroong ginagawang pagpupulong at posibleng isama nila ang Japan at Australia.
Iginiit pa ni Romualdez na ang mga bansa na nais sumama sa joint patrols ay dapat mayroong code of conducts at mayroong freedom of navigation.
Dagdag naman ng Japanese Embassy na kanilang pag-aaralan ang posibilidad ng kooperasyon sa kanilang mga partners para masuportahan ang Maritime Domain Awareness at maritime law enfrocement sa Indo-Pacific.