-- Advertisements --
Tiniyak ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na hindi maapektuhan ang kanilang paghahanda para sa Tokyo Olympics at Paralympics.
Sinabi nito na mahigpit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga World Health Organization (WHO) at ibang mga ahensiya para walang magiging aberya sa kanilang paghahanda.
Nakatakda din itong magpatawag ng pagpupulong sa mga Olympic officials para pag-usapan ang ginagawa nilang hakbang para hindi na kumalat ang nasabing 2019 novel coronavirus.
Magugunitang dahil sa nasabing banta ng coronavirus ay nakansela ang Olympic qualifying events sa China tulad ng boxing at badminton.