-- Advertisements --

Hiniling ng Japan sa China na iwasan na ang paggamit ng anal swab tests sa kanilang mga mamamayan.

Ang nasabing paraan aniya ay nagdudulot ng “psychological distress” sa mga sumasailalim nito.

Ayon kay Japanese government spokesman Katsunobu Kato, na sumulat na sila embahada sa Beijing na kung maaari ay hindi na isailalim ang mga mamamayan nila sa anal swab test.

Nauna ng inireklamo ng US ang paraan ito ng ng China na mariing pinabulaanan naman ng huli.

Magugunitang inilunsad ng China ang anal swab test para makita kung positibo ba o negatibo ang isang tao sa COVID-19.