-- Advertisements --
Humiling na ng tulong ang Japanese authorities mula sa International Criminal Police Organization (ICPO) para maglabas ang Interpol ng notice laban kay Carole Ghosn, maybahay ng dating Nissan boss na si Carlos Ghosn.
Sa oras na ilabas na ang naturang notice para kay Carol ay malilimitahan na ang paglabas ng mag-asawa sa bansang Lebanon.
Hindi naman nagbigay ng komento patungkol dito ang Japanese justice ministry.
Noong Martes nang maglabas ang Japanese prosecutors ng arrest warrant laban kay Carol dahil umano sa perjury.
Mas lalong tumindi ang tensyon sa pagitan ng Lebanon at Japan matapos takasan ni Ghosn ang Japanese justice system at nagtago sa bansang Lebanon.