Inanunsyo na ng Japan ang bubuo sa basketball team na sasabak sa 2024 Paris Olympics.
Sa lineup ng Team Japan, walo rito ay mga atletang naglaro sa 2023 World Cup kung saan nagtapos noon ang koponan bilang pang-19.
Kinabibilangan ito nina Joshua Hawkinson, Yuki Kawamura, Yuki Togashi, Kesei Tominaga, Yudai Baba, Makoto Hiejima, Yuta Watanabe at Hirotaka Yoshii.
Ang pinakamalaking dagdag ngayon sa naturang koponan ay ang NBA forward na si Rui Hachimora na unang pagkakataon niyang bumalik sa national team mula noong Tokyo Olympics (2021).
Si Hachimura ay kasalukuyang naglalaro sa Los Angeles Lakers at ilang taon na ring naglalaro sa NBA.
Ang tatlong bagong naidagdag sa koponan ay ang guard na si Kai Toews, sentro na si Hugh Watanabe, at ang 20 anyos na si Akira Jacobs.
Ang Team Japan ay otomatikong nakapasok sa Paris Olympics dahil sa hosting ng bansa sa nakalipas na Olympic games.
Nakahanay ito sa Group B kasama ang Germany, France, at ang Latvia FIBA Olympic Qualifying Tournament 2024 winner na Brazil.
Nananatiling coach ng naturang koponan ang batikang US coach na si Coach Tom Hovasse. Siya ay nagsisilbi nang head coach ng Team Japan mula pa noong 2021.