-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Japan ang gamot na remdesivir mula sa Gilead Sciences Inc bilang coronavirus drug.

Isinagawa ang decision ng tatlong araw matapos na naghain ang US drugmaker ng mabilis na approval.

Ayon sa Japanese health ministry office, na hanggang wala pang gamot sa coronavirus ay narapat na nilang aprubahan ang nasabing bakuna.

Umaabot na sa mahigit 16,000 ang nadapuan ng virus at mayroong 800 ang nasawi sa Japan kung saan pinalawig pa ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang state of emergency hanggang sa katapusan ng Mayo.