-- Advertisements --
Sa kauna-unahang pagkakataon ay inaprubahan ng Japan ang pag gamit ng abortion pill.
Kung maaalala ang abortion ay legal sa Japan hanggat ito ay 22 weeks pa lamang, kinakailangan rin ito ng consent mula sa kinakasama at ang surgical procedure lamang ang nag iisang paraan.
Ipinagbigay alam ng health ministry sa mga healthcare officials na aprubado na ang gamot mula sa British pharmaceutical company Linepharma.
Ito gamot ay available rin sa France at United States.
Ang abortion pill kasama na ang medical consultation ay aabotin ng halos 100,000 yen at ito ay hindi rin napapailalim sa public health insurance.