Ipinagmalaki ng Japan ang matagumpay na pag-testdrive nila ng lumilipad na kotse.
Ayon sa kumpanyang Sky Drive Inc. nagsagawa na sila ng testdrive sa Toyota Test Field at ito ang unang public demonstration ng lumilipad na kotse sa kasaysayan ng Japan.
Tinawag ito na SD-03 na ito ay minamaneho ng isang piloto.
Umabot sa mahigit apat na minutong lumipad.
Ayon kay Tomohiro Fukuzawa, ang CEO ng kumpanya, na ito ang unang beses na mayroong nagmamaneho ng lumilipad n kotse.
Nais nilang ipaabot na ito ang komportableng klase ng pamumuhay na dapat abangan ng tao.
Mayroon itong walong makina para matiyak ang kaligtasan sakaling magkaroon ng emergency.
Nais nilang gumawa ng mga lumilipad na kotse bilang bahagi ng normal buhay at hindi lamang para sa mga may nais nito.
Inaasahan sa 2023 ay magsisimula na silang gumawa ng maraming uri ng flying cars.