Isinasaalang-alang ng Japan na magbibigay ito taun-taon ng higit sa 200 billion yen o P83.6 billion na tulong sa Pilipinas para sa pagpapaunlad ng mga imprastraktura.
Layon nito na subukan ng dalawang bansa na palakasin ang ugnayan pagdating sa ekonomiya.
Pinaplano rin ni Prime Minister Fumio Kishida na sumang-ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakatakdang bumisita sa Japan sa susunod na linggo, upang palakasin ang kooperasyong panseguridad sa gitna ng lumalaking paninindigan ng China sa rehiyon ng Asia-Pacific.
Ang Tokyo at Maynila, na nagpapanatili ng matalik na relasyon nitong mga nakaraang taon, ay nagtutulungan sa larangan ng seguridad at ekonomiya.
Sa magaganap na bilateral meeting, inaasahan na kukumpirmahin ng dalawang lider na ipagpapatuloy ng dalawang bansa ang ugnayan at pag-uusap kasama ang kanilang mga defense at foreign ministers.