-- Advertisements --

Gumamit ng flares ang mga fighter jets ng Japan para itaboy palayo ang mga fighter jets ng Russia na nakapasok sa kanilang airspace.

Sinabi ni Japanese Defense Minister Minoru Kihara na nakapasoksa kanilang airspace sa taas ng Rebun islan ang Russian II-38 plane.

Makailang minuto rin ay lumipat din ang nasabing eroplano ng Russia sa isla ng Hokkaido.

Naganap ang insidente ilang araw matapos ang nakita ang mga barko ng Russia at China sa karagatang sakop ng Japan.

Dagdag pa ni Khara na lubos na nakakabahala ang ginawang ito na Russia at kanilang mariing kinondina.

Ang paggamit aniya nila ng flares ay legal bilang tugon sa airspace violation at kanila umano ito gagamitin ng walang pangalinlangan.