Nagpaabot na ang Pilipinas ng kanilang imbitasyon sa Japan para lumahok sa Balikatan military exercises sa susunod na taon.
Ayon kay Col. Michael Logico, ang tagapagsalita ng 2024 Balikatan Exercises, na mismo ang Japan ay nagpahayag ng interest na makasali sa military exercises sa pagitan ng US at Pilipinas.
Dagdag pa nito na naibigay lamang nila ang imbitasyon noong Oktubre kaya kulang ang panahon para sa Japan na makapaghanda para makalahok sa Baliktan exercises na magsisimula na sa Abril 22.
Umaasa ang opisyal na may malaking posibilidad na sa susunod na taon ay makakasama na ang Japan.
Una ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi ito tutol sa pagsali ng Japan sa Balikatan exercises dahil ito ay makakatulong sa pagpapanatili ng katahimikan at freedom of navigation na sumasang-ayon sa international law sa rehiyon.