-- Advertisements --
Magbibigay ang Japan ng one milyon doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca sa Pilipinas bilang donasyon.
Sinabi ni Japanese ambassador to the Philippines Koshikawa Kazhuhiko na ipapadala nila sa Hulyo ang nasabing mga bakuna.
Ang mga bakuna ay sobra aniya na ginagamit ng Japan mula ng simulan ang mass vaccination laban sa COVID-19 doon.
Inaprubahan kasi ng Japanese health ministry ang British-Swedish drugmakers bilang emergency use noon pang Mayo.
Magugunitang nauna ng nagpahayag ang US na magbibigay din ito ng ilang milyong doses ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.