-- Advertisements --

Magpapadala ang Japan ng mga Patriot air defence missiles sa US matapos na baguhin ang arms export rules ng nasabing bansa.

Labis naman ikinatuwa ng White House ang nasabing hakbang na ito ng Japan kung saan ipapadala nito ang nasabing matatanggap na Patriot air defence missiles sa Ukraine.

Ang Patriot missiles ay isa sa mga most advanced weapons na isinusuply ng US sa Ukraine.

Nagkukumahog ang mga Western countries na magbigay ng mga bala at armas sa Ukraine na gagamitin nito sa depensa laban sa pananakop ng Russia.