Maglulunsad ang Japan government ng isang infectious disease databank ngayong Hulyo para matulungan ang mga firms at unibersidad na makapag-develop ng epektibong panlunas laban sa COVID-19.
Sa ilalim ng naturang proyekto, plano ng gobyerno na mangolekta ng mga blood at saliva sample gayundin ang treatment records ng COVID patients, vaccination records at genome analysis ng mga bagong patients na nagbigay ng kanilang consent na posibleng maging available na gamitin ng mga unibersidad at firms na nag-aaral sa infectious disease ngayong fall season.
Tinatayang 50 medical institutions ang makikilahok sa naturang proyekto kung saan pangangasiwaan ang databank ng mga organisasyon kabilang ang National Center for Global Health and Medicine, National Institute of Infectious Diseases at University of Tokyo.
Sa pamamagitan ng makokolektang mga datos at samples, malalaman kung sino ang posibleng makapag-develop ng malubhang COVID-19 symptoms.
Target na makalikom ng 10,000 data ng COVID-19 patients hanggang March 2022. (with report from Bombo Everly Rico)