-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Japanese government ang planong pagsasagawa ng state funeral para sa yumaong dating Prime Minister Shinzo Abe sa Setyembre 27.
Isasagawa ito sa may Nippon Budokan na isang arena na orihinal na itinatag para sa 1964 Tokyo Olympic Games na kalaunan ay naging tanyag na venue para sa sports events at concerts.
Naging site din ito para sa taunang memorial service para sa mga nasawi noong World War II na isinasagawa tuwing Agosto 15.
Magugunita na nasawi si ex-PM Abe matapos ang assasination habang nangangampaniya para sa parliamentary election sa city of Nara sa Japan.