-- Advertisements --
Hinalal ng United Nations General Assembly na maging miyembro ng UN Security Council ang mga bansang Ecuador, Japan, Malta, Mozambique at Switzerland.
Walang namang komontra sa 15-member body na maging miyembro nila ang nabanggit na limang bansa.
Papalitan ng nasabing mga bansa ang India, Ireland, Kenya, Mexico at Norway.
Nakatanggap ng 190 votes ang Ecuador, 184 naman sa Japan, 185 sa Malta, 192 sa Mozambique at 187 sa Switzerland.
Ang security council lang kasi ang UN body na kayang magdesisyon sa pagapapatupad ng sanctions at pag-otorisa ng paggamit ng puwersa na mayroong limang permanenteng miyembro na binubuo ng US, Britain, France, China at Russia.