-- Advertisements --

Magbibigay ng kabuuang 1.3 trillion yen o mahigit P620 billion ang Japan para sa pagtatayo ng karagdagang riles sa bansa.

Sa pamamagitan ng aid arm ng Japanese government na Japan International Cooperation Agency (JICA) idadaan ang tulong para maibsan ang problema ng trapik.

Target na makargahan ng karagdagan riles ay ang LRT line 1 Cavite Extension, LRT LIne 2 East Extension, Metro Manila Subway, Metro Rail Transit (MRT) Iine 3 Rehabilitation at North-South Commuter Railway.

Target naman ng Department of Transportation (DOTr) na madagdagan ang haba ng Metro Manila’s railway line mula sa dating 79 kilometers ay gagawin itong 244 kilometers.