Nanawagan ng dasal ang bagong emperor ng Japan na si Naruhito kasabay ng kanyang pormal na pag-upo sa trono.
Ito’y isang araw matapos ang pagbibitiw sa puwesto ng kanyang amang si Akihito matapos ang tatlong dekada.
Ayon kay Emperor Naruhito, inspirasyon nito ang naging serbisyo ng kanyang ama at hangad na mabigyan din niya ng progress at kapayapaan ang Japan.
“My father always served the people of Japan. He (achieved) great work as an emperor,” bahagi ng maiksi at pinakaunang talumpati ng 59-year-old new emperor sa Imperial Palace.
Dagdag nito, “I pledge that I will always think of the people, and while drawing close to them, fulfill my duties as a symbol of the Japanese state and the unity of the Japanese people in accordance with the constitution. I sincerely hope for the happiness of the people and further progress of the country, and for world peace.”
Nabatid na sa pamamagitan ng simple pero symbolic ceremony, namana rin ni Emperor Naruhito ang Imperial Treasures.
Sa ngayon ay nagsimula na rin sa kanyang pagiging emperor ang bago ring imperial era na kung tawagin ay Reiwa, na nangangahulugang “order and harmony.”
Nabatid na walang political power ang Japanese emperor pero nagsisilbing national symbol.
Si Emperor Naruhito ay kilala bilang “earnest man” na pinapahalagahan ang water conservation.
Ang kanyang 85-anyos na ama ang kauna-unahang pinayagan ng Japanese monarch na magbitiw sa puwesto matapos nitong aminin na hindi na kakayanin na tuparin ang kanyang tungkulin dahil sa iniindang sakit. (BBC/CNA/Japantoday)