-- Advertisements --

Naglaan ang Japan ng P150 million para pondohan ang Project for Human Resource Development Scholarship (JDS), na sumusuporta sa advanced education.

Nilagdaan ito nina Japanese Ambassador ENDO Kazuya at DFA Secretary Enrique Manalo noong Abril 25, 2025.

Sasaklaw ang pondo sa master’s degree ng 20 batang empleyado ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga kilalang unibersidad ng Japan simula Academic Year 2026–2027.

Layunin pa ng programa na paunlarin ang kakayahan ng mga Pilipino bilang bahagi ng pag-suporta ng Japan sa human resource development ng bansa.

Mula nang magsimula ang JDS noong 2002, umabot na sa 459 ang bilang ng mga Pilipinong nakinabang dito.