-- Advertisements --

Nagtala na ng unang pagkamatay ang Japan ng nadapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Minister Katsunobu Kato , isang babaeng may edad 80 na nakatira sa Kanagawa prefecture ang namatay.

Hindi naman malinaw aniya kung ang virus nga ba ang naging sanhi ng kamatayan nito.

Na-ospital ito noong Pebrero 1 matapos na makitaan ng sintomas ng coronavirus.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad kung sino-sino pa ang nakasalamuha ng namatay na pasyente.