-- Advertisements --

Tinalo ng Japan ang Italy sa Pastry World Cup 2025.

Nanguna ang Japan sa mga bansang lumahok gaya ng Egypt, Mauritius at South Korea.

Bawat koponan ay mayrong tatlong miyembro kung saan gagawa sila ng tatlong uri ng desserts o panghimagas.

Isa sa kanila ang may expertise sa paggawa ng frozen dessert, restaurant dessert at show chocolate.

Hindi nakaporma ang home team na Italy dahil sa matinding desensiyo na ipinakita ng Japanese team.

Pumangalawa sa puwesto ang France na sinundan ng Malaysia, China, Belgium, Italy, South Korea , Singapore, United Kingdom at Argentina.