-- Advertisements --
Nangunguna pa rin ang Japan sa bansang may pinakamaraming gold medal na naitala sa nagpapatuloy na Paris Olympics.
Base sa pinakahuling medal tally nitong alas 12 ng hating gabi ng Hulyo 31, 2024 mayroong pitong gintong medalya, dalawang silver at apat na bronze medal ang Japan.
Habang nasa pangalawang puwesto ang China na mayroong anim na gold medal, anim na silver at dalawang bronze medal.
Nasa pangatlong puwesto naman ang France na mayroong limang gold , walong silver at tatlong bronze.
Pang-apat naman na puwesto ang Australia na mayroong limang gold, apat na silver at walang bronze.
Pang-limang puwesto ang South Korea na mayroong limang gintong medalya, tatlong silver at tatlong bronze medal.