-- Advertisements --
Bahagyang nilimitahan ng Japan ang visa slot para sa mga Pilipino kasunod na rin ng paglubo ng bilang ng mga turista sa naturang bansa.
Batay sa abisong inilabas ng Japanese embassy dito sa Pilipinas, hinihimok na ang mga Pinoy na isumite ang kanilang tourist visa application ng dalawang buwang advance.
Ito ay doble sa dating rekomendasyon ng embahada.
Sa pamamagitan nito ay umaasa ang embahada na bahagyang mapigilan ang paglobo ng mga turista.
Ayon sa ilang travel agency official dito sa bansa, inaasahang hanggang 50% ang ibababa ng daily visa application para sa mga Pinoy na nagnanais makapunta sa Japan.