-- Advertisements --
ILOILO CITY – Niyanig ng sunod-sunod na lindol ang Japan ngayong umaga.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo International Correspondent Josel Palma, direkta sa Japan, sinabi nito na Magnitude 5.0 earthquake ang tumama sa Sakai, Ibaraki, Japan at sa mga katabing prefectures.
Ayon kay Palma, niyanig rin kahapon ng 4.7 magnitude ang Yuasa Town sa Wakayama Prefecture sa western Japan.
Sa ngayon anya, patuloy pa ang ginagawang monitoring ng National Research Institute for Earth Science and Disaster Resilience ng Japan sa mga posibleng mga aftershocks.