Naghahanda na ang Japan sa pagdating ng bagyong Hagibis.
Maraming mga negosyo na ang nagsara at maging ang train service dahil sa inaasahang pag-landfall ng nabanggit na bagyo ngayong Sabado hanggang Linggo.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, may taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 180 kilometer per hour.
Tinatayang lubhang maaapektuhan dito ang isla ng Honshu.
Nagbabala din ang mga otoridad na magdudulot ng pagbaha at landslide ang nasabing bagyo.
Itinuturing na rin na ito ang pinakamalakas na bagyo na sasalanta sa Japan na ang huli ay nanalasa ang bagyong Kanogawa noong 1958 na ikinasawi ng mahigit 1,200.
Dahil sa nasabing banta ng bagyo ay maraming malalaking events ang kinansela gaya ng World Rugby Cup, at ang Japanese Grand Prix.