-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ng Japan ang China dahil sa madugong pananaksak ng isang batang lalaki.

Base sa imbestigasyon papasok na ang 10-anyos na batang lalaki sa Japanese school sa Shezhen ng ito ay biglang saksakin ng isang lalaki.

Ang ama ng biktima na isang Japanese at ang ina naman nito ay Chinese kung saan dinala pa ito sa pagamutan subalit kinalaunan ay namatay din.

Naaresto ng mga otoridad ang 44-anyos na suspek sa lugar ng pinangyarihan.

Nanawagan si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Chinese government na dapat protektahan nila ang Japanese citizens.

Giit pa ni Kishida na dapat magpaliwanag ang China kung bakit nangyari ang nasabing insidente.