-- Advertisements --

Mahigpit na pinakiramdaman ng Japan ang pagdaan ng mahigit 10 barkong pandigma ng China at Russia sa karagatan na naghihiwalay sa main island ng Hokkaido at Japan.

Ito ang unang beses ba pagdaan ng Chinese at Russian naval vessels na magkasabay na naglayag sa Tsugaru Strait.

Ayon kay Deputy Chief Cabinet Secretary Yoshihiko Isozaki na ang ganitong aktibidad ng China at Russia ay nararapat na bantayang mabuti ng Japan.

Nilinaw naman ng Japanes Defense Ministry na walang nilabag ang China at Russia sa pagdaan ng kanilang mga barkong pandigma sa lugar.