-- Advertisements --

Pinapaaresto ng korte sa Tokyo ang asawa ng puganteng si Carlos Ghosn.

Ito ay matapos maglabas ng arrest warrant ang Tokyo prosecutors kay Carole Ghosn.

Malaki kasi ang hinala ng korte na inimbento lamang ni Carole ang kaniyang mga pahayag noong Abril sa korte ng Tokyo.

Tinawag naman na ‘pathetic’ ng kampo ni Ghosn ang paglabas ng korte ng arrest warrant sa mga kaanak nito.

Si Ghosn na siyang nangangasiwa ng Nissan ay inaresto sa Japan noong Nobyembre 2018 dahil sa financial misconduct.

Nitong Disyembre ay tumakas ito mula sa kaniyang pagkaka-house arrest at nagtungo sa Beirut.

Hiniling din ng Japan ng extradition kay Ghosn sa Lebanon kahit na wala silang treaty sa nasabing bansa.