Inanunsiyo ng Japan ang plano nilang paggawa ng sopistikadong stealth jet fighter.
Ayon sa Japanese Ministry of Defense, na sisimulan na nila sa 2031 ang paggawa ng sixth-generation fighters.
Nakatakda kasi nilang palitan nag nasa 100 na F-2 Jets, single-engine fourth-generation fighters na iginaya sa F-16 ng US.
Naglaan na rin sila ng nasa $261 million para sa nasabing programa.
Ilan sa abilidad ng nasabing stealth jet fighter ay ang abilidad nitong mag-sync missile targeting sa pagitan ng iba’t-iang eroplano o kilala ilang integrated fire control o network shooting, internal weapons bays gaya ng makikita sa F-22 stealth jets ng US.
Aminado si Japanese Defense Minister Taro Kono na na-pressure sila dahil sa patuloy ang ginagawang pag-upgrade ng China ng kanilang military flights.