-- Advertisements --
Pinangunahanan ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang pagbubukas ng National Stadium na gagamitin sa 2020 Tokyo Olympics.
Nagkakahalaga ang nasabing stadium ng $1.44 billion na may kakayahan na 68,000 audience.
Sa nasabing stadium gaganapin ang opening ceremony ng Olympics at mga athletics at soccer events.
Sa kaniyang talumpati ay pinasalamatan niya ang mga gumawa ng nasabing stadium kahit na maraming mga naganap na pagbabago ng ito ay sinimulang itayo noong Disyembre 2016.
Dito aniya ipapakita ng Japan ang kanilang kalakasan sa buong mundo.
Magaganap ang 2020 Olympics mula Enero 24 hanggang August 9.