Nagpaabot ng pakikiramay si Japan Prime Minister Fumio Kishida sa pagpanaw ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na itinuring nitong mabuting kaibigan.
Ipinaabot ni Japanese Ambassador to Manila Kazuhiko Koshikawa ang mensahe ng pakikidalamhati ng Punong Ministro kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa pagpanaw ng dating miyembro ng gabinete ng gobyerno.
Ayon sa Japanese envoy isang mabuting kaibigan ni PM Kishida si del Rosario simula nang ito ay Foreign Minister pa lamang.
Pinuri din ng Japanese envoy si del Rosario para sa kontribusyon nito para sa pagpapatatag ng relasyon ng Pilipinas at Japan.
Ang kontribusyong ito ay simbolo ng conferment ng Japanese Decoration noong nakalipas na taon.
Magugunita na pumanaw si del Rosario noong araw ng Martes, Abril 18 sa edad na 83 anyos.
Nanungkulan ito sa ilalim ng yumao at dating Pangulong Benigno Aquino III bilang top diplomat na malaki ang naging papel para maipanalo ng Pilipinas ang pinag-aagawang West Philippine Sea.
Ayon sa pamilya Del Rosario, magkakaroon ng lamay sa burol ng dating DFA chief sa Chapels of Sanctuario de San Antonio sa Makati sa araw ng Linggo at Lunes, April 23 and 24, mula sa oras na 9 a.m. hanggang 10 p.m.
Idaraos ang funeral mass sa araw ng Martes, April 25 sa oras na alas-9 ng umaga sa Main Church ng Sanctuario de San Antonio.